Part of jun's adventure in food & beverage, school & work
Pababa ako ng escalator nang makita kong malakas ang ulan. ‘Yan and dahilan kung bakit may ilang taong umaakyat na naman pabalik ng building dahil wala silang payong. Isa ako sa kanila. Kaya dali-dali akong bumalik sa opisina para manghiram ng payong. At sa awa ng diyos ay nakakuha naman ako.
Subalit nang makababa na ako ng building ay wala na palang ulan. Parang gago. Feeling ko tuloy e pinaglalaruan ako ng tadhana. Hahaha. Drama.
Anyway, ayun dumerecho ako sa Sbarro along Ayala. Hinintay ko si kaibigang Siops dun kasi nagpalibre ako sa kanya. Grabe, andami naming kinain. Pero mas madami akong kinain kesa kay Siops. Nakakautot nga sa dami e. Kala ko nga majejebs ako sa office e. Pero mali pala ako.
Tapos nang pabalik na ako sa office, wala ng ulan. Normal na paglalakad lang ang ginawa ko tapos bumaba lang ng underpass. Tapos pagakyat ko, ayun na naman. Parang may bagyo sa lakas ng ulan. Labo. Buti na lang at may dala akong malaking payong.
Yon lang. Gusto ko sanang magkape kaso kelangang pigilin ang silakbo ng damdamin. Baka kasi bumilis ang tibok ng aking puso at biglang ma-inlove ako. Hahaha. Adik.
2 Comments »