1:53
1:49
1:42
1:37
1:24
1:19
1:08
Ang mga numerong nasa itaas ay bunga ng pagkabugnot ko ngayong araw. Countdown yan bago ako makasibat dito sa opisina. Ang totoo ay buong linggo ko nang ginagawa ‘to. Kung ganito lagi araw-araw ang mangyayari sa kin, baka mapabilis ang aking pagtanda. Hay buhay. Konting tiis pa. Isipin mo yon, Agosto na. Limang buwan na lang at pwedeng pwede na akong magpasa ng resignation letter ko. Haha.
Yong nakaraang blog ko sa totoo lang ay hindi naman laging ganon. Ngayong buong linggo lang. Naisip ko lang di ko pala kayang magpetiks habang buhay. Sana may maayos na ulit akong task next week. Wag muna bukas kasi biyernes na.

2 Comments »